dzme1530.ph

Alyansa senatorial bets, mangangampanya sa Davao del Norte ngayong araw

Loading

Matapos ang kick off rally sa Luzon at Visayas, ang Mindanao naman ang pupuntahan ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial candidates ngayong Sabado.

Liligawan ng 12 administration bets ang mga taga-Davao sa kanilang kick-off rally na isasagawa sa Carmen Municipal Park and Plaza, Davao del Norte.

Noong 2022 elections, nag-landslide victory si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Davao del Norte nang makakuha ng 470,000 boto mula sa kabuuang 577,781 rehistradong botante.

Sinabi ni Alyansa Campaign Manager at Cong. Toby Tiangco na katulad ng pagtindig para sa Pangulo, naniniwala siyang muling susuporta ang Mindanao sa Senate slate na kahalintulad din ng minimithi sa kaunlaran ang isusulong sa Senado.

Muling binigyang-diin ni Tiangco na ang mga kandidato ng Alyansa ay subok nang lider na may karanasan at track record para epektibong makapaglingkod sa taumbayan.

Una nang magsagawa ng campaign kickoff ng ‘Alyansa’ sa balwarte ni Pangulong Marcos sa Laoag City sa Ilocos Norte na sinundan ng Visayas kickoff sa Iloilo province.

Nakatakda namang isagawa sa Pasay City ang NCR campaign leg ng ‘Alyansa’.

About The Author