dzme1530.ph

Alternative work schedule sa ilang tanggapan ng Pateros, ipinatupad

Inanunsyo ng Municipal Government ng Pateros sa publiko at sa mga residente nito na pinapatupad na sa ilang tanggapan nito ang alternative work schedule.

Ayon sa Pateros LGU, ang naturang alternative work schedule ay base sa bisa ng MMDA Resolution no. 24-08 series of 2024 gayundin ang Municipal Ordinance no. 07-2024 series of 2024.

Ipinatupad ang bagong polisiya simula noong ika- 15 ng Abril, 2024, kung saan ang pasok ng mga empleyado sa Pamahalaang Bayan ng Pateros ay 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Hindi kasama sa pagbabagong ito ang mga manggagawa sa health centers kung saan mananatiling 8:00 ng umaga to 5:00 ng hapon ang kanilang pasok.

Manatiling 24-Oras pa rin ang pasok ng mga kawani ng Traffic at ang Street sweepers.

Umapela naman ng pang-unawa ang pamahalaang bayan ng Pateros sa mamayan nito na sinabing ang hakbang ay upang makatulong na mapaluwag ang mga lansangan at maibsan ang lumalalang problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

About The Author