dzme1530.ph

Alokasyon para sa Climate change adaptation sa 2025 budget, lumobo sa ₱1.020-T

Lumobo sa ₱1.020-Trillion ang alokasyon para sa Climate change adaptation and mitigation, sa ilalim ng proposed ₱6.352-Trillion 2025 national budget.

Ayon sa Dep’t of Budget and Management, ito ay 122.9% na mas mataas sa ₱457.4-Billion na alokasyon sa budget ng kasalukuyang taon.

Sa ilalim nito, pabibilisin ang implementasyon ng National Adaptation Plan, at palalakasin ang Climate and Risk Data Information Management Systems.

Samantala, sa pagtanggap ng kopya ng 2025 National Expenditure Program sa Malacañang ay inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang disaster resilience ay kabilang sa mga tututukan sa 2025 budget.

Una nang tiniyak ni Marcos ang pag-develop ng teknolohiya para sa proteksyon ng buhay ng mamamayan mula sa mga kalamidad sa hinaharap.

About The Author