Ikinalugod ng Alkalde ng Pola, Oriental Mindoro ang pagsampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ng mga kaso sa may-ari ng lumubog na MT Princess Empress, na nagdulot ng oil spill sa lalawigan.
Bamaga’t hindi pa malalaman ang kahihinatnan, nagpapasalamat si Mayor Jennifer Cruz dahil magkakaroon na aniya ng katarungan ang nangyaring insidente sa kanilang lugar.
Iginiit din ng Alkalde, na ito na ang tyansa na maipakitang dapat magkaroon ng kaso ang mga iresponsableng naglalayag.
Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress sa karagatang sakop ng Pola, Oriental Mindoro noong Pebrero 28, lulan ang 800 litro ng industrial oil na tumagas at naka-apekto sa ilang lalawigan sa bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho