dzme1530.ph

ALEXA MIRO, WALANG PINAGSISIHAN SA LIMANG TAONG RELASYON KAY SANDRO MARCOS

Loading

Nakatutok sa kanyang career bilang actress and singer si Alexa Miro matapos ang breakup kay Ilocos Norte 1st District Rep. at presidential son Sandro Marcos.

Sinabi ni Alexa na pahinga muna ang kanyang puso sa ngayon, at career muna ang pagtutuunan niya ng pansin.

Ayon sa singer-actress, wala siyang masasabiang regrets sa limang taon nilang relasyon ni Sandro, dahil pareho naman nilang binigay ang lahat.

Aniya, bagaman may mga nagawa silang pagkakamali at nasaktan ang isa’t isa, mayroon silang mga natutunan para maging better people.

Idinagdag ni Alexa na isa sa lessons na natutunan niya sa relasyon nila ni Sandro ay ang kahalagahan ng inner strength.

Ipinagmamalaki ng aktres na mayroong solid inner strength ang kanyang ex-boyfriend at tinuruan siya nitong tiisin at lagpasan ang maraming pagsubok at problema.

About The Author