May mga pagkain na nakatutulong upang ma-detoxify ang ating katawan upang ito ay mas maging malusog at maganda.
Kabilang dito ang green vegetables. Ito ay sagana sa mga bitamina at mineral na mabisa upang maalis ang toxins sa ating katawan na nanggagaling sa kapaligiran o tinatawag na environmental toxins.
Mainam ding pang-flush out ng unwanted toxin sa ating katawan ang at citrus fruits gaya ng orange, calamansi, dalandan, at lemon dahil ito ay mayaman sa vitamin c, gayundin ang green tea na may taglay na antioxidant.
Nakatutulong din ang bawang sa pag-produce ng detoxifying enzymes na siyang nakapagpapabilis ng paglilinis ng ating katawaan.