dzme1530.ph

Alamin kung paano nakatutulong ang “Art Of Perspective” sa pag-handle ng stress

May mga tao na kayang kayang magdala ng stress dahil na-master na nila ang “Art Of Perspective.”

Ibig sabihin, naiintindihan nila na ang stress, gaya ng iba pang emosyon, ay pangunahing reaksyon lamang sa mga sitwasyon, at hindi ito ang mismong sitwasyon.

Tanggap din ng mga taong may malawak ang perspektibo na hindi nila kontrolado ang mga mangyayari sa kanilang paligid, subalit kaya nilang kontrolin kung paano nila tutugunan ang mga pangyayaring ito sa kanilang buhay.

Sa halip na tingnan ang stressful situations bilang malaking balakid, tinitingnan nila ito bilang mga pagsubok na dapat nilang mapagtagumpayan o leksyon na dapat nilang matutunan para sa kanilang ikauunlad.

Ang skill na ito ay kailangan ng practice, subalit sa sandaling ma-master, maituturing itong mabisang sandata upang malampasan ang anumang unos na hindi maiiwasang pagdaanan sa buhay. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author