dzme1530.ph

Alamin kung gaano kahaba dapat ang oras ng tulog base sa edad

Isang paraan para lumakas ang katawan at makaiwas sa sakit ay ang pagkakaroon ng sapat na tulog sa gabi.

Ang tulog mula 11pm hanggang 3am ay napakahalaga dahil ito ang panahon na naghihilom ang ating atay at buong katawan.

Matulog ng walong oras kada araw na ang pinaka-ideal ay alas-10 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga. Sa mga may edad na, maaaring sapat na ang limang oras, subalit mas mainam pa rin kung maku-kumpleto ang walong oras na tulog. Puwede namang mag-siyesta sa hapon para mapunan ang kinulang na oras na tulog sa gabi.

Kapag inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay senyales na gusto ng katawan na magpahinga.

Huwag din lalampas sa 10-oras ang pagtulog dahil masama ito, ayon sa pagsusuri. Baka mayroon ka ng sakit.

Iakma ang haba ng oras ng tulog sa edad. Kapag wala pang 20-anyos, maari ang siyam hanggang sampung oras. Subalit pagsapit ng 30 hanggang 40, mas maikli na ang tulog sa pito hanggang walong oras. Kapag 60 hanggang 70 years old ay nagiging anim na oras nalang. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author