![]()
Lumalabas sa mga datos na patuloy ang pagdami ng mga tinatamaan ng diabetes.
Kaya mahalagang malaman ang mga senyales na tumataas ang blood sugar sa katawan.
Una, poor sleep. Kapag nagigising ng alanganing oras lalo na kapag 3:00 A.M nangangahulugan ito na overstimulated ang nervous system dahil sa mataas na blood sugar.
Ikalawa, palaging uhaw at madalas na pag-ihi dahil sinusubukan ang kidney na i-flush out ang excess sugar sa katawan.
Ikatlo, palaging naghahanap ng sweets at carbs dahil hindi na maayos ang takbo ng insulin kaya’t nagdedemand ang katawan ng dagdag na fuel lalo na ng sugar.
Ikaapat, hindi maipaliwanag na pangangati dahil nasisira ng mataas na blood sugar level ang maliliit na vessel sa katawan na nakakaapekto sa balat.
At ikalima, ang madalas na pananakit ng katawan dahil sinisira ng blood sugar ang ating mga nerves na nagdudulot ng chronic aches.
