Ang pangunahing pagkakaiba ng White wine at Red wine ay ang kulay ng ubas na ginamit. May factor din kung ang grape juice ay fermented o tinanggalan ng balat.
Para kasi makagawa ng white wine, pinipiga ang ubas at tinatanggal ang balat, buto at tangkay nito bago isalang sa fermentation, habang sa red wine ay dinudurog ang red grapes at binuburo ito kasama ang balat, buto at tangkay.
Ang red at white wine ay mayroong very similar nutrition profile, pero may bahagyang lamang ang red wine dahil mas mataas ang taglay nitong vitamins and minerals habang ang white wine naman ay mas mababa ang calories.
Lumitaw sa maraming pag-aaral na ang pag-inom ng red wine, pati na rin white wine, basta “in moderation,” ay nakababawas sa panganib ng heart disease o stroke, pati na rin pagkakaroon ng Osteo-Arthritis at Neuro-Degenerative diseases gaya ng Alzheimer’s at Parkinson’s, at mainam din ito sa cholesterol. —sa panulat ni Lea Soriano