![]()
Nagbabala ang mga eksperto na ang hindi pagkain ng almusal ay posibleng maging dahilan ng metabolic syndrome.
Ito ay matapos ang pagsusuri sa 16,000 na adults.
Lumitaw sa pagsusuri na ang mga indibidwal na hindi kumakain ng almusal nang apat o higit pa sa isang linggo ay may 24% na posibilidad ng pagkakaroon ng metabolic syndrome.
Ang hindi pagkain sa almusal ay inuugnay sa mataas na blood sugar, blood pressure at mababang good cholesterol.
Ang pagpapalipas ng pagkain ay maaaring magdulot ng insulin resistance na pangunahing sanhi ng mga sakit sa puso at diabetes.
Pinapayuhan ang publiko na gawing regular ang pagkain sa umaga bilang hakbang sa pangangalaga sa cardiometabolic health.
