Posibleng makaranas ng cracked lips o pagbibitak ng labi kapag mainit ang panahon. Maaari rin itong makuha bunsod ng iba pang sanhi, gaya ng dehydration at vitamin deficiencies.
Ang chapped lips ay karaniwang kondisyon na nararanasan ng karamihan subalit mayroon iba na mas malala ang pagbibitak ng labi na kung tawagin ay cheilitis, na maaring dulot ng impeksyon na inuugnay sa nag-crack na balat sa sulok ng mga labi.
Maaring malunasan ang dry lips sa pamamagitan ng simple treatment at preventive measures.
Gayunman, kung patuloy ang labis na panunuyo at pagbibitak ng mga labi ay mainam na kumonsulta na sa dermatologist. —sa panulat ni Lea Soriano