![]()
Marami sa atin idinaraaan sa paghiga subalit sinasabayan ng paggamit ng cellphone ang pagpapahinga o pagbabawas ng stress.
Pero may mga ekspertong nagsabi na ang pag-scroll sa social media ay hindi mabisang stress reliever.
Ang tunay na stress relief ay nagmumula sa pag-activate ng parasympathetic nervous system.
Ito ay bahagi ng ating katawan na responsable sa pagpapakalma at recovery.
Inirerekomenda ang mga creative hobbies gaya ng pagsayaw dahil nakatutulong ito upang mapababa ang cortisol level.
Maaaring ring gamiting stress reliever ang paghahalaman o gardening na nakatutulong naman sa pagpapababa ng blood pressure.
Inirerekomenda rin ang slow movement exercise gaya ng yoga at hands-on hobbies tulad ng pagluluto.
Ang mga habits na ito ay epektibo upang mapababa ang stress level sa loob lamang ng 10 hanggang 15 minuto.
