Una nang natuklasan na nakagaganda ng kalidad ng hangin ang mga halaman.
Alam niyo ba na may mga halaman na makatutulong upang maiwasan ang dengue sa panahon ng tag-ulan
Batay sa Molecular Genetics Study, natuklasan na hindi gusto ng lamok ang amoy ng citronellal, isang chemical compound na taglay ng ilang mga halaman.
Isa sa mga halaman na may citronellal ay ang lemon grass o tanglad. Kaya naman ginagamit ito bilang insect repellent sa mga produkto tulad ng body lotion, scented candle, spray at iba pa.
Taglay rin ng rosemary ang naturang chemical compound kung saan maliban sa lamok, nilalayuan din ito ng mga langaw.
Payo ng mga eksperto, subukang magtanim ng iba pang halaman na mayaman sa citronellal compound tulad ng marigold, basil, lemon balm at mint. —sa panulat ni Airiam Sancho