dzme1530.ph

Alamin ang mga dahilan ng pagsinok at lunas para rito!

Ang sinok o hiccups sa ingles ay isang kondisyon ng inboluntaryong pagkilos o pagsikip ng kalamnan sa ilalim ng baga na kung tawagin ay diaphragm.

Ang bawat pagsikip ng diaphragm ay sinusundan ng biglaang pagsasara ng vocal cords kung kaya’t nagkakaroon ng matining na tunog sa bawat pagsinok.

Kabilang sa mga dahilan kung bakit nararanasan ang pagsinok ay ang pag-inom ng carbonated drinks at alak, labis na pagkain, biglaang pagbabago ng emosyon at temperatura sa paligid, at pagkakalunok ng hangin.

Para naman matigil ang pagsinok, narito ang ilang bagay na dapat gawin.  Pigilan ang paghinga sa loob ng sampung segundo, ipang-mumog ang tubig na may yelo o kaya ay inumin ang malamig na tubig at lumunok ng isang kutsaritang honey o asukal.

About The Author