dzme1530.ph

Alamin ang mga bumubuo sa Macrominerals at Trace Minerals

Ang minerals ay mahalaga upang manatiling malusog ang ating katawan. Ginagamit ng katawan ang minerals para sa iba’t ibang functions, gaya sa buto, muscles, puso, at utak para gumana nang maayos. Mahalaga rin ang minerals sa paglikha ng enzymes at hormones.

Mayroong dalawang klase ng minerals – ang Macrominerals at Trace Minerals.

Kailangan ng katawan ng mas maraming Macrominerals na kinabibilangan ng calcium, phosphorus, magnesium, sodium, potassium, chloride at sulfur.

Mas kaunti naman ang kailangang Trace Minerals na kinabibilangan ng iron, manganese, copper, iodine, zinc, cobalt, flouride at selenium.

Makukuha ang kinakailangang amount ng minerals sa pamamagitan ng iba’t ibang klase ng pagkain at supplements na rekomendado ng mga doktor. —sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author