dzme1530.ph

Alamin ang mga bitamina at mineral na taglay ng leeks

Ang leeks ay galing sa pamilya ng onions, shallots, scallions, chives, at garlic.

Mukha itong giant green onion subalit mas mild, at medyo matamis at mas creamy ang texture kapag niluto.

Ang leeks ay nutrient-dense. Ibig sabihin mababa ito sa calories subalit mayaman sa vitamins at minerals.

Mataas ito sa Provitamin A Carotenoids, kabilang ang Beta Carotene. Kino-convert ng katawan ang carotenoids sa Vitamin A, na mahalaga sa paningin, immune function, reproduction, at cell communication.

Good source din ito ng Vitamin K1 na kailangan para sa blood clotting at heart health.

Ang leeks ay good source din ng manganese na nakatutulong upang mabawasan ang Premenstrual Syndrome (PMS) symptoms at nagpo-promote ng thyroid health.

Nagbibigay din ito ng kaunting Copper, Vitamin B6, Iron, at Folate. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author