Nakatutulong ang pakikinig ng musika sa pagpapalakas ng isipan.
Sa katunayan, inirerekomenda ng mga doktor sa John Hopkins ang pakikinig ng music para ma-stimulate ang utak ng isang indibidwal.
Mayroon ding positibong epekto ang musika sa abilidad ng isang tao na makapag-memorize.
Inirerekomenda naman ang music therapy para sa mga taong mayroong mental illness, gaya ng Schizophrenia, at mainam na pampa-kalma ang musika kapag inaatake ng Anxiety.
Nakatutulong din ang pakikinig ng music para ma-kontrol ang emosyon at baguhin ang mood ng isang tao. —sa panulat ni Lea Soriano