Ang foot massage ay hindi lamang nagbibigay ng ginhawa pagkatapos ng pinagdaanang aktibidad sa maghapon, kundi nagtataglay din ito ng iba pang benepisyo, gaya ng nakababawas ito ng stress at nakaka-boost ng energy.
Ina-activate kasi nito ang Nervous system na nagpapataas ng feel-good brain chemicals tulad ng endorphins. Sa isang pag-aaral, ang mga nagpa-foot massage matapos sumailalim sa operasyon para tanggalin ang kanilang appendix ay nakaranas lamang na kaunting sakit at mas kaunti lamang ang ininom na painkillers.
Pinalalakas din ng foot massage ang circulation, na nakatutulong sa pagpapagaling at nagpapatiling malusog ang muscles at tissues. Mahalaga ito para sa mga mayroong health problems na nakadaragdag sa poor circulation o nerve damage, gaya ng diabetes. —sa panulat ni Lea Soriano