dzme1530.ph

Alamin ang mga benepisyo ng Atis o Sugar apple

Ang atis na kilala rin sa tawag na sweetsop o sugar-apple ay nagtataglay ng calcium, phosphorus beta-carotine, ascorbic acid at fiber.

Siksik din ang atis sa vitamins at minerals, gaya ng Vitamin C.

Nakatutulong itong labanan ang free radicals sa katawan dahil pino-protektahan nito ang puso mula sa posibleng cardiac disease.

May Vitamin A din ang atis na nakatutulong upang mapanatiling malusog ang balat at buhok.

May taglay din itong copper na mainam upang mapawi ang constipation, gayundin ang indigestion.

Mayroon din itong Potassium na isang mahalagang mineral na nakatutulong upang malabanan ng katawan ang panghihina ng mga kalamnan o muscles.

Mayaman din ang atis sa iron na nakatutulong upang maiwasan ang iron-deficiency anemia at mapalakas ang energy levels. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author