Alamin ang kumbinasyon ng mga prutas na mainam na panlaban sa inflammation

dzme1530.ph

Alamin ang kumbinasyon ng mga prutas na mainam na panlaban sa inflammation

Loading

Maganda ang prutas sa katawan, kailangan lamang ay kainin ito nang hinog upang maayos itong mada-digest at makapagbigay sa atin ng lakas o enerhiya.

Mayroong mga prutas na tinatawag na power-packed combos, gaya ng kumbinasyon ng cherry, pineapple, at blueberry.

Ang pinya ay siksik sa Vitamin C at nagtataglay ng enzyme na bromelain na nakababawas sa pamamaga ng gut o bituka, nagpapalakas ng immune function, at nag-i-stimulate ng protein digestion.

Mainam na samahan ito ng blueberries na loaded naman ng Anti-oxidants at Vitamins A, C at E, pati na ng cherries na mataas ang phenolic compounds, upang magkaroon ng mas malakas na Anti-inflammatory punch. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author