dzme1530.ph

Alamin ang kondisyon na panunuyo ng mata o dry eye syndrome

Kapag ang inyong mata ay hindi makapag-produce ng tears o luha o kaya naman ay mabilis itong matuyo, posible na mayroon kayong dry eyes syndrome.

Nakatutulong ang luha para malinis ang mata at mabawasan ang pagkakaroon ng eye infection. Kapag walang sapat na tears, maaring makaranas ang mga mata ng pangangati, mahapding pakiramdam, panlalabo ng paningin, pagkasilaw sa liwanag, at discomfort.

Maituturing na normal condition ang dry eyes subalit marami sa nakararanas nito ang napapansin na tila bumibigat ang kanilang mga mata.

Kapag nakararanas ng dry eyes, maaring makatulong ang pagpatak ng artificial tears, subalit kung hindi ito sapat, posibleng makapagbigay ng ginhawa ang ibang treatments, kabilang ang medications at surgery. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author