Ang Narcolepsy ay isang Chronic Neurological Condition na nakaaapekto sa Nervous System. Nagdudulot ito ng abnormal na tulog na maaring makaapekto sa quality of life ng isang indibidwal.
Isa itong rare condition, at base sa pagtaya ng mga eksperto, isa sa bawat 2,000 katao ang posibleng magkaroon nito.
Ang Narcolepsy ay nagdudulot ng significant daytime drowsiness at “sleep attacks,” o labis na kagustuhang matulog sa maghapon, habang mababaw lamang ang tulog sa gabi.
Sinasabing hindi ito deadly disease by itself, subalit may mga episode na maari itong magdulot ng aksidente, injuries, o life-threatening situations.
Ang mga taong mayroon nito ay hirap makapag-maintain ng trabaho, makapag-aral, pati na makipag-relasyon bunsod ng episodes ng sobra-sobrang pagka-antok sa maghapon. —sa panulat ni Lea Soriano