dzme1530.ph

Alamin ang kondisyon na kung tawagin ay Hyponatremia

Mahalaga ang paginom ng tubig para sa paggana ng mga organs, cells, tissue sa ating katawan.

Subalit alam niyo ba na may masamang naidudulot ang labis na pagkonsumo ng tubig sa katawan o ang pagiging overhydrated?

Ito ay maaaring magresulta sa kondisyon na Hyponatremia, isang electrolyte disorder kung saan sobra ang baba ng sodium level sa dugo.

Nagdudulot ang kondisyong ito ng paghina ng enerhiya, pagkatuliro, pananakit ng ulo, halusinasyon, pagkahilo, at fatigue o labis na pagkapagod.

Ilan pang senyales ng water intoxication ay clear o walang kulay na urine, madalas na pag-ihi, at pamamanas ng paa, kamay at labi.

Ipinapayo naman ng mga eksperto na uminom lamang ng sapat na tubig kada araw upang maiwasan ang pagkakaroon ng hyponatremia. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author