dzme1530.ph

Alamin ang ilang paraan para manatiling healthy ang kidney

Ang pagkakaroon ng active lifestyle at masustansyang diet ay makatutulong upang maiwasan ang kidney problems.

Kabilang sa ilang paraan upang manatiling healthy ang kidney ay pagkakaroon ng regular exercise, gaya ng paglalakad, pagtakbo, pagbibisikleta, maging ang pagsayaw.

Mainam rin na i-manage ang blood sugar, bantayan ang blood pressure gayundin ang timbang at kumain ng balanced diet na mababa sa sodium, processed meats, at iba pang kidney-damaging foods.

Uminom din ng maraming fluids o atleast 1.5 to 2 liters ng tubig kada araw, iwasan ang paninigarilyo, at bantayan ang pag-inom ng over-the-counter pain medication. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author