dzme1530.ph

Alamin ang health benefits ng paggamit ng jumping rope!

Mahalaga ang pag-eehersisyo araw-araw upang mapanatili ang malusog at malakas na katawan.

Alam niyo ba na ang paggamit ng jumping rope ay mabisang kasangkapan sa pag-eexercise?

Sa pag-aaral ng Science Daily, epektibo ang jumping rope para makamit ang ‘burn rate’ng hanggang 1,300 calories kada oras.

Nagpalalakas din nito ang balanse at koordinasyon ng isang tao, dahil sa pagtibay ng muscles sa ating katawan lalo na sa binti.

Bukod dito, mainam ding gamitin ang jumping rope upang mapabuti ang cardiovascular efficiency. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author