Marami sa atin ang tila hinihila ng antok pagkatapos kumain, lalo na kapag busog.
Gayunman, hindi makabubuti sa katawan na mahiga o matulog pagka-kain.
Maigi na magpalipas muna ng dalawang oras bago matulog o mahiga pagkatapos kumain upang maiwasan ang indigestion at acid reflux na maaring magdulot ng discomfort.
Ang nararamdamang pagod pagkatapos kumain ay normal lamang dahil ang ibig sabihin nito ay sumasang-ayon ang katawan sa pagtunaw ng ating mga kinain. —sa panulat ni Lea Soriano