Para mag-function ng tama, ang katawan ay kailangan ng 13 vitamins na kinabibilangan ng siyam na water-soluble at apat na fat-soluble.
Ang water-soluble vitamins, gaya ng Vitamins C at B, ay maaring inumin kahit anong oras sa isang araw.
Inirerekomenda naman na inumin ang fat-soluble vitamins, tulad ng Vitamins A, D, E, at K, nang may kasamang meal na mayroong fat.
Bagaman ang mga nutrients na ito ay matatagpuan sa iba’t ibang pagkain, ang ibang tao ay nangangailangan ng supplements na may partikular na vitamins upang ma-meet ang kanilang nutritional requirements. —sa panulat ni Lea Soriano