dzme1530.ph

Akusasyon sa mga heneral na tangkang cover-up sa P6.7-M shabu haul, ”very unfair” —Azurin

Umapela si PNP chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr. kay Interior secretary Benhur Abalos na suriing mabuti ang mga taong nagbibigay sa kanya ng mga maling impormasyon upang pagdudahan ang integridad ng organisasyon.

Tinawag ni Azurin na “very unfair” na akusahan ang mga heneral sa tangkang cover-up nang walang sapat na basehan.

Noong nakaraang linggo, ibinunyag ni Abalos ang umano’y takipan sa pag-aresto kay dismissed PMSgt Rodolfo Mayo Jr., batay sa imbestigasyon na isinagawa ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Ani Azurin, bagaman kaisa siya ng kalihim sa paglaban sa mga tiwaling pulis, huwag naman aniya sanang mawala sa focus ang ginagawa nilang pagtugis sa tunay na kalaban –  ang shabu at mga sindikato ng droga.

Inirekomendang sampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang 49 na pulis, kabilang si dating Police Drug Enforcement Group (PDEG) Dir. Brig. Gen. Narciso domingo dahil sa umano’y pagkakasangkot sa naturang operasyon.

About The Author