dzme1530.ph

Aktres na si Ria Atayde, napipisil bilang bagong tagapagsalita ng MMDA

Inirekomenda ang aktres na si Ria Atayde bilang bagong tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority.

Sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na personal niyang ni-recruit si Atayde na malugod din namang pumayag.

Aniya, isinumite na niya ang application at endorsement ng aktres sa malakanyang upang maging spokesperson ng MMDA.

Idinagdag ni Artes na kabilang sa qualifications ni Atayde ay ang degree nito sa communication arts, work experience, at pagiging celebrity, na makatutulong sa information dissemination.

Si Atty. Mel Carunungan ay kasalukuyang nagsisilbi bilang MMDA spokesperson sa isang Officer-In-Charge capacity.

Ipinaliwanag ni Artes na mayroong posisyon sa kanila para sa Spokesperson na Assistant Secretary Level, at dating hawak ni Celine Pialago. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author