dzme1530.ph

Aktor na si Ricardo Cepeda, inaresto sa kasong Syndicated Estafa

Nakapiit ang aktor na si Ricardo Cepeda sa Camp Caringal sa Quezon makaraang dakpin ng mga otoridad sa kasong Syndicated Estafa.

Inaresto si Cepeda sa bisa ng Arrest Warrant na inisyu ni Executive Judge Gemma Bucayu-Madrid ng Sanchez Mira, Cagayan Regional Trial Court.

Ayon naman sa kanyang Stepson na si Joshua de Sequera, napagbintangan lamang ang aktor, na nagsilbing product endorser ng isang sales company.

Aniya, walang kinalaman ang kanyang ama sa “investment scheme” ng kumpanyang inirereklamo, pati na rin sa mga tumalbog na tseke.

Alinsunod na batas, hindi pinapayagang magpiyansa ang mga nasasangkot sa kasong Syndicated Estafa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author