dzme1530.ph

Aksyon kaugnay sa isyu ng Human Rights, hiniling na sabihin ng EU Commission kay Pang. Marcos –HRW

Dapat sabihin ng pinuno ng European Commission kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng aksyon kaugnay sa karapatang pantao, sa pagbisita nito sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Nabatid na bibisita si European Commission President Ursula Von Der Leyen sa bansa sa July 30 hanggang Aug. 1.

Sinabi ng Human Rights Watch kay Von Der Leyen na dapat linawin nito kay Marcos na habang bukas ito sa “different narrative” kaugnay sa human rights, ay dapat na gawing aksyon ng administrasyon ang mga sinasabi nito.

Nagbunsod ang hiling ng naturang grupo dahil sa patuloy na Red tagging at drug war.

Una nang inihayag ng Dept. of Trade and Industry (DTI) na nakitaan ng European Union ng pagbuti ang sitwasyon ng human rights sa ilalim ng Administrasyong Marcos. — sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author