dzme1530.ph

Aklan, isinailalim sa State of Calamity dahil sa ASF

Nagdeklara na ng State of Calamity sa lalawigan ng Aklan dahil sa African Swine Fever.

Ito’y matapos tumaas ang bilang ng mga baboy na apektado ng ASF virus sa nasabing lugar.

Ayon sa Office of the Provincial Veterinarian ng probinsya, pineperwisyo ng ASF ang mga Munisipalidad ng Balete, Tangalan, Makato, Numancia, Kalibo, Batan at New Washington.

Sa ngayon nagpapatupad na ng mga hakbang kontra ASF sa lugar, alinsunod sa utos ng local officials ng Aklan.

Kaugnay nito, pinatitiyak din ng mga opisyal na mahigpit na nababantayan ang paglalabas-pasok ng mga karneng baboy sa mga apektadong bayan. –sa panulat ni Joana Luna

About The Author