dzme1530.ph

AJ Raval, muling ipinagtanggol ang relasyon nila ni Aljur Abrenica

Muling ipinagtanggol ni AJ Raval ang kanyang relasyon kay Aljur Abrenica, sa pagsasabing naging romantically involved lamang sila noong July 2022, kasunod ng paghihiwalay ng aktor at asawa nito na si Kylie Padilla.

Ilang buwan matapos itanggi na “kabit” siya ni Aljur, nagsalita ang sexy star at sinabing sobra na ang mga akusasyon sa kanya.

Sa Facebook live, sinabi ni AJ na ikamatay man ng kanyang pamilya ngayon, nagsimula ang relasyon nila ng aktor nang wala silang sinasaktan at nilokong tao.

Idinagdag pa ng aktres na isang taon matapos manligaw sa kanya si Aljur ay saka lamang niya ito sinagot.

Sinegundahan din ni AJ ang hiling ni Kylie na tigilan na ng netizens ang pag-tag sa kanya tungkol sa magkasintahan, kasabay ng pagsasabing hayaan nalang silang manahimik. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author