dzme1530.ph

Airport security na lumunok ng pera, mahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal

Sasampahan ng mga kasong administratibo at kriminal ang airport security personnel na nakuhanan ng video na lumunok ng perang papel, ayon sa Office of Transportation Security.

Sinabi ni OTS Administrator Undersecretary Mao Aplasca na agad nilang sinibak sa puwesto ang babaeng personnel at isasailalim sa preventive suspension sa sandaling matapos ang kanilang imbestigasyon.

Nangyari ang insidente noong Sept. 8, subalit nito lamang Sept. 14 nakuha ang CCTV footage.

Inihayag pa ni Aplasca na patuloy sa pagtanggi ang personnel na ninakaw nito ang pera sa kabila nang nakumpleto na nila ang lahat ng ebidensya. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author