dzme1530.ph

Airport personnel, iginiit na tsokolate ang kanyang nilunok at hindi dolyar

Iginiit ng Office of Transportation Security (OTS) personnel na umano’y responsable sa pinakabagong estilo ng pagnanakaw sa NAIA Terminal 1, na tsokolate ang kanyang nilunok at hindi ang nawawalang $300.

Naghain ang sangkot na staff ng supplemental affidavit upang bigyang diin na hindi siya nagnakaw at lumunok ng pera.

Sa kabila naman nito ay hindi kumbinsido ang OTS Fact Finding Team na nagsabing hindi naman mahirap kumain ng tsokolate at kailangan pang itulak ng tubig para malunok.

Una nang isinailalim ng OTS sa preventive suspension ang naturang staff member, kasama ang supervisor nito at isa pang personnel na nagbigay sa kanya ng bottled water. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author