dzme1530.ph

Airport authorities, dapat magkaroon ng standard response sa mga aberya sa NAIA —Sen. Binay

Iginiit ni Sen. Nancy Binay na dapat magkaroon ng ‘standard response’ ang airport authorities at ang buong pamahalaan sa mga aberya sa paliparan.

Sinabi din ni Binay na ‘ideally’ ay hindi dapat maulit  ang mga technical glitches o anumang aberya sa paliparan ngunit kailangan ay handa pa rin ang airport at mga kaukulang ahensya ng gobyerno sa agarang pagtugon sa ganitong mga biglaang problema.

Kabilang aniya sa obligasyon ng airport at ng gobyerno ay kung papaano gagawing komportable ang paghihintay ng mga naabalang pasahero sa airport.

Sinabi ni Binay na bagamat may programa ang Department of Tourism (DOT) at ang mga airlines ng pamamahagi ng pagkain sa mga apektadong pasahero ay hindi naman ito palagiang nagagawa.

Napuna rin ni Binay na nasa 30% lamang ang kapabilidad ng generator sets ng NAIA.

Dapat anya ay may Genset ang airport na kayang i-sustain o gawing tuluy-tuloy ang operasyon ng paliparan at awtomatikong gagana tuwing mawawalan ng kuryente ang NAIA.
—ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author