Pinaplano ng Malaysian Airline Company na AirAsia na mag-invest ng $1-B upang i-expand ang kanilang operasyon sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng tatlong araw na state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malaysia.
Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, lumagda si AirAsia CEO Anthony Francis Fernandes sa letter of intent para sa planong pagpapalawak ng kanilang operasyon sa bansa, partikular sa aviation at aviation maintenance, repair at overhaul operations, AirAsia Super App, at logistics operations.
Mula sa 23 eroplano sa bansa, plano nila itong itaas sa 50.
Sinabi ni Fernandes kay Marcos na maging sila ay pinadapa ng pandemya kaya’t kailangan nilang bumangon para makabalik sa pre-pandemic levels.
Nagpasalamat naman si Marcos sa AirAsia dahil sa pagpapakita ng magandang interes sa Pilipinas. –sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News