dzme1530.ph

Agriculture, Tourism, at Maritime cooperation seselyuhan sa State Visit ng Pangulo sa Brunei

Inaasahang maseselyuhan ang mga kasunduan sa iba’t ibang sector, sa nakatakdang kauna-unahang State Visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Brunei Darussalam.

Sa Malacanang Press Briefing, inihayag ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau na pinaplantsa na nila ang Memorandum of Understading sa Agrikultura at Food security, Maritime cooperation, at Turismo.

Sa pakikipagpulong naman kay His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei, tututukan ng Pangulo ang kooperasyon sa ekonomiya sa harap ng pagiging isang powerhouse ng Brunei sa enerhiya.

Idaraos din ang business forum kung saan makikisalamuha ang Pangulo sa mga lider ng business sector sa Brunei upang isulong ang kalakalan at investments.

Ang mga ito ay alinsunod sa adhikain ng Pangulo sa pagpapalago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

About The Author