dzme1530.ph

Agricultural products dala ng mga foreign passengers kinumpiska sa NAIA

Kinumpiska ng Bureau of Plant industry (BPI) sa NAIA ang ilang agricultural products dala ng mga foreign passengers mula China at Addis Ababa.

Kasabay ito ng pagkakaharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa mga naturang produkto na bitbit ng mga pasaherong dayuhan sa NAIA Terminal 1.

Kabilang sa mga nakumpiska mula sa tatlong pasahero sakay ng China Airlines flight MF-819 ang 2.4 kgs ng plums, 1kgs na Apple, 3.1 kgs plums, 1.5 Nectarines at 1.5 kgs plums.

Kumpiskado din mula sa dalawang pasahero mula addes ababa ang 13kgs na yum, 1.7 kgs yum 0.2 kgs na chilli powder.

Ayon sa BPI ang mga nakumpiskang agri products ay pawang mga walang kaukulang permit at mahigpit itong ipinagbabawal na makapasok sa bansa dahil sa pinangangambahan peste na dala nito.  —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author