dzme1530.ph

AGRI Partylist Rep. Wilbert “Manoy” Lee, may paalala sa DOH at PhilHealth

Pinaalalahanan ni AGRI Partylist Rep. Wilbert “Manoy” Lee, ang Department of Health at PhilHealth ukol sa pangako nitong maibaba ang “out-of-pocket medical expenses” ng bawat pamilyang Pilipino.

Ngayong araw na ito naka-schedule na mag-transfer ng ₱30-B ang PhilHealth sa National Treasury para mapondohan ang mga unprogrammed appropriations.

Patuloy na naninindigan si Manoy Wilbert na ang execess funds ng PhilHealth ay dapat gugulin sa pagpapalawak ng health benefits.

Gayunman, kahit magsauli ng ₱89.9-B ang health insurer sa state coffers ay napakalaki pa rin ang pondo nito at walang dahilan para hindi maibigay ang karagdagang benefit packages.

Tiniyak din ni Manoy Wilbert, senatoriable ng Aksyon Demokratiko, na sinusubaybayan nito ang progreso sa mga dagdag na serbisyong pangkalusugan na nakatakdang ipatupad ng DOH at PhilHealth simula ngayong Nobyembre.

Ang tinutukoy nito ay ang commitment na pirmado nina Health Sec. Ted Herbosa at PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma noong Sept. 25,.

Kabilang dito ang 80% coverage sa cancer treatments, free diagnostic tests sa PET scan, CT scan at MRI; 50% across-the-board PhilHealth benefit increase, at free pediatrics at adult prescription glasses. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author