Idinulog ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, ang problema sa ageing population sa rehiyon o dumaraming bilang ng matatanda.
Sa plenary session ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia, inihayag ng Pangulo na ang paglago ng ekonomiya at kasaganahan sa ASEAN sa mga nagdaang dekada ay nag-resulta sa mas mahabang buhay ng mga tao.
Sinabi ni Marcos na ayon sa Asian Development Bank, isa sa kada apat na tao sa Asia Pacific ay magiging bahagi na ng senior citizen population pagsapit ng 2050.
Kaugnay dito, iginiit ng chief executive na alinsunod sa tradisyon ng ASEAN sa pagpapahalaga sa matatanda, dapat nilang tiyakin ang patas at sapat na social benefits, social empowerment, pangangalaga sa kalusugan, ligtas, at produktibong buhay para sa mga nakatatanda. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News