dzme1530.ph

AFP, suportado ang pinalakas na defense cooperation sa pagitan ng PH at Japan

Suportado ng Armed Forces of the Philippines ang pinalakas na defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan

Sinabi ito ni AFP chief Gen. Andres Centino kasunod ng pakikipagpulong kay Acquisition, Technology, and Logistics Agency o ATLA commissioner Tsuchimoto Hideki sa AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo kahapon.

Nagpasalamat din si Gen. Centino kay Hideki sa tulong ng Japan sa AFP modernization at kanilang capability upgrade program.

nagagalak din aniya ang AFP na makipagtulungan sa Japan para mapahusay pa ang seguridad at depensa sa gitna ng mga hamon sa rehiyon

Sinabi naman ni Commissioner Hideki na pinag-aaralan nila ang iba pang paraan para mapalakas ang defense equipment and technology cooperation kabilang na ang sa Pilipinas. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author