dzme1530.ph

AFP, pumalag sa puna na nagkaroon ng failure of intelligence kaugnay ng pagpapasabog sa Marawi City

Pumalag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa puna na nagkaroon ng failure of intelligence kaya nangyari ang malagim na pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City noong linggo.

Sinabi ni Atty. Naguib Sinarimbo, tagapagsalita ng BARMM na Sabado pa lamang ng gabi ay mayroon nang kumalat na text message tungkol na magaganap na pagpapasabog subalit hindi tinukoy kung saan.

Aniya, kailangang mapag-aralang maigi kung saan nagmula ang naturang impormasyon.

Iginiit naman ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad na sa ngayon ay hindi pa masasabing mayroong failure of intelligence.

Kahapon ay personal na binisita ni AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr. ang blast site sa MSU sa Marawi, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author