Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang alegasyong pinagbawalan umano nilang pumasok ang mga retired police at military generals, sa kampo bunsod ng kumakalat na destabilization plot.
Ayon kay AFP Lt. Col. Francel Margareth Padilla, ang pagcheck umano ng mga guard sa pagkakakilanlan ng mga pumapasok sa kanilang kampo ay bahagi lamang ng kanilang standard operating procedures.
Dagdag pa ni Padilla, welcome ang presensya ng mga dating kawani ng AFP.
Kaugnay nito, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na walang katotohanan ang ulat na bawal pumasok sa loob ng kampo ang mga dating heneral ng kanilang ahensya. DZME News