Nakakapangisda pa rin ang mga Pilipino sa Scarborough Shoal sa tulong ng concerned government agencies.
Kagabi ay itinama ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar ang nauna nitong statement na hindi na makapasok ang mga lokal na mangingisda sa lugar bunsod ng nagpapatuloy na presensya ng chinese vessels.
Sinabi ni Aguilar na batay sa latest report ay nakakapalaot pa rin sa Scarborough Shoal ang mga mangingisdang Pinoy sa tulong ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at National Intelligence Coordinating Agency.
Una nang inihayag tagapagsalita ng militar na hinaharang ng Chinese Coast Guard at mga maritime militia ang mga pumapasok na filipino fishermen sa lugar na kilalang sagana sa yamang-dagat. —sa panulat ni Lea Soriano