dzme1530.ph

AFP, may nakahandang evacuation assets para sa mga Pilipino sa Gitnang Silangan

Loading

May nakalatag nang contingency plan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling kailanganin ang evacuation ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan dahil sa tumitinding tensyon sa rehiyon.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., nakahanda ang kanilang C-130 aircraft at mga barko upang agad tumugon sa oras ng pangangailangan.

Aniya, bahagi ng mandato ng Sandatahang Lakas ang pagsasagawa ng non-combatant evacuation operations para sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga bansang may kaguluhan, bukod pa sa pagbibigay-seguridad sa loob ng bansa.

Matatandaang isang OFW na caregiver ang nasawi matapos magtamo ng matinding pinsala sa air strike ng Iran sa kanyang apartment sa Israel noong Hunyo.

About The Author