dzme1530.ph

Administrasyong Marcos, target makapagtayo ng drug treatment and rehab facility sa bawat probinsya pagsapit ng 2028

Target ng Administrasyong Marcos na makagpatayo ng Drug Treatment and Rehabilitation Facility sa kada probinsya pagsapit ng 2028.

Ayon sa Presidential Communications Office, sa ngayon ay 23 probinsya, 447 na Munisipalidad, at 43 na Lungsod ang nakapagtatag na ng kani-kanilang community-based drug rehabilitation programs.

Naitayo rin ang 74 na in-patient treatment and rehabilitation facilities.

Samantala, iniulat din ang pagkakaroon ng functional o gumaganang Anti-Drug Abuse Councils sa 50 probinsya, 1,160 munisipalidad, at 30 siyudad.

Patuloy din ang Dangerous Drugs Board sa pagpapatupad ng barangay Drug Clearing Program, tungo sa mithiing mai-deklarang drug-free ang lahat ng Brgy. sa 2028. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author