dzme1530.ph

P.I, maaaring hindi na isang opsyon ayon sa Pangulo

Isusulong pa rin ng Administrasyong Marcos ang pag-amyenda sa Konstitusyon sa kabila ng kaliwa’t kanang mga batikos sa Charter change.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kumo-konsulta na sila sa mga dating Chief Justices tulad ni Executive Sec. Lucas Bersamin, at gayundin kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, at sa mga constitutionalist upang matukoy kung ano ang pinaka-tamang gawin.

Gayunman, sinabi ni Marcos na sa ngayon ay hindi na niya tiyak kung nananatili pa ring isang option ang People’s Initiative.

Matatandaang sinuspinde ng Commission on Elections ang proceedings sa People’s Initiative sa harap ng tumitinding bangayan ng Senado at Kamara.

Nilinaw naman ni Marcos na ang hangad niya lamang na ma-amyendahan ay ang economic provisions ngunit tila nagagamit umano ang isyu sa pamumulitika. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author