Naisakatuparan na ng Administrasyong Marcos ang kalahati ng target farm-to-market road projects hanggang 2028.
Iniulat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na 67,328.92 kilometers na ang na-kumpleto o katumbas ng 51% ng kabuuang 131,410.66 kilometers target farm-to-market road network program.
Ang habang ito ay katumbas umano ng 32 road trips mula Aparri hanggang Jolo, o 2,800 beses na paglalakbay sa EDSA.
Sinabi ni Marcos na ito ang patunay ng malaking accomplishment ng gobyerno.
Tiniyak ng Pangulo na tatapusin nila ang nalalabing farm-to-market road projects para sa mas maayos na koneksyon sa market ng mga producer ng produktong pang-agrikultura. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News